Saturday, April 29, 2006
Kapag Ginulo ka ng Pag-ibig
Something i got from a friend's blog and which was the exact same feeling i had two months ago. Maybe some of it persists to this day, maybe none at all. What I am sure of now is that I had forgiven; that he had once came, left and persisted to hurt me.
Haha dedicated to Ayeen din...
Pare, bagay! Haha. Meant to be talaga tayo.
Marami kang iniisip, naiisip at gustong isipin. Pero mas gusto mong malaman ng lahat ng tao ang lahat ng kabangagan mo.
Wala lang.
Magpapansin.
Umasang may mag-rereply sa senseless thoughts mo.
Mag-advice.
Magsabing, "Oo.. naiintindihan kita.."
Pero ayos lang sayo kahit di nila basahin to.
Bakit pa?
Sino ka ba?
Nakakadiri.
Ayaw mong tuksuhin ka nilang, "yuck!! Ang mushy mo pala!!"
Sa lahat ng kaibigan mong humihingi ng advice tungkol sa pag-ibig, ang sinasabi mo lang palagi, "Tange, kalimutan mo na lang yang nararamdaman mo. Korni mo e. Ang OA mo pa. Guguluhin lang nyan buhay mo."
Ang sasabihin pa nila sayo, "Talaga? Buti ka pa, wala kang lovelife. Di ka stressed. Di ka kinakabahan palagi --""At di ako mukhang tanga."
May na-offend ka na naman. Pero pakialam mo ba sa kanila? Totoo naman a.Tapos bigla mong mare-realize, may problema ka na rin pala.
Hayop talaga.
Gusto mong sumigaw.
Bakit may nanggugulo na rin ng buhay mo ngayon?Ang dami mong crush, grabe. Yung isang classmate mo sa Math17, isa sa Hum1, dalawa sa Geog1, dalawa sa PE2, isa sa Math100 at isa sa Chem16. Si Mike Bravo ng Maroons, si George Chia ng Blue Eagles, si Kogore ng Shohoku. Si Dao Ming Shi at si Mei Zhuo ng F4. Si Enrique Iglesias. Si Legolas. Si Ron Weasley.
Sixteen.
Imagine?
Pero di naman nila ginugulo ang buhay mo.
Ayos lang di ba?
Kaso may isang taong di mo maintindihan kung bakit kahit anong gawin mo, talagang ginugulo pa rin niya yung buhay mo.
Para siyang mangkukulam.
Kahit saan nakikita mo siya.
Inalis mo na noon yung pangalan nya sa phone mo. Kaso sinulat mo pa rin yung number nya sa diary mo.
Engot ka talaga.
Tapos nilagay mo ulit sa cell mo.
Tapos inalis mo ulit kase nainis ka.
Naihagis mo pa nga sa kama mo yung phone mo e.
Tapos naisip mo wala rin namang epekto kung nasa cell mo siya o wala. kaya nilagay mo na lang ulit.
Tapos binura mo na talaga ngayon.
Panahon na para kalimutan na talaga sya --- naiisip mo.
Okay na?
Hinde.
Mas malala.
Na-memorize mo na kase yung number nya.
Tsk tsk tsk.
Naaawa ka na talaga sa sarili mo.
Naiinis ka pa kapag sinasabi sayo ng mga kaibigan mo, "Nakita ko sha sa A.S. kanina."
Asar na asar ka.
Sabay sigaw with matching facial expression, "PAKEELAM KO?"
At magtatanong sila ng isang tanong na matagal mo nang hinihintay na sagutin sa harap ng maraming tao: Ã "Baket? Ayaw mo na ba sa kanya?"
Tatahimik ka muna.
Parang si Lei sa harap ni Tang Chin. Magbubuntung-hininga.
Tititigan silang lahat na naghihintay ng sagot mo.
Biglang magkakaron ng split personality disorder, ngingiti at magsasalita: "Sino yon?"
Nagandahan ka sa ginawa mo. Effective. Wow, para talagang di na nya kilala.
Biglang makikita mo siya.
Ayun.
Mabubuwisit ka talaga.
Maaalala mo yung mga panahong pinagmukha ka niyang tanga. Yung panahong kailangan mo siya.
Yung panahong iniwan ka nya sa ere.
Yung panahong tinalikuran ka nya.
Masisira ang araw mo.
Wala ka sa mood makipagtawanan.
Sisigawan mo ang kaibigan mong natapakan ang white rubber shoes mo.
Gugustuhin mong balatan ng buhay ang lahat ng taong nagtatanong kung bakit ka wala sa mood. Hihilingin mong mong makapag-teleport ka papuntang Egypt.
At bigla mong maririnig ang isa sa mga kaibigan mo, "Ganyan talaga pag in-love."
May background pang mga palihim na tawa.
At sabay-sabay silang kakanta ng --- Why do birds suddenly appear.
Di ka makakapagsalita. Mararamdaman mong umiinit yung tenga mo, yung leeg mo, yung mukha mo.
Bigla mong maiisip ang pinakaepektibong palusot, ngingiti at magsasalita, "Sino yon?"
Ayos na sana, kaso di mo naisip na mali yung statement mo.
At bago mo pa mabawi ang sinabi mo, sasabihin na nila, "Baket? Me sinabe bang pangalan??? Yak!! Halata!!!"
Feeling mo masusunog na sa init yung mukha mo.
Kahit anong pilit mong kalimutan siya, mabilis talagang kumalat ang balita.
Minsan naglalakad ka. May masasalubong kang dalawang taong di mo kilala.
Magbubulungan sila. Titingnan ka, mula ulo hanggang paa, at maririnig mo ang isang bulong: "Yan ba?"
Grabe, ang ganda na naman ng araw mo.
Di mo na lang papansinin. Kahit nakikilala mo na sila.
Isang araw naman nakikipagkwentuhan ka sa isang ka-block mo. Gwapo. Niloloko mo pa nga tong taong to na siya na ang pinakagwapong taong nakita mo sa personal. Hehe, tawa nya.
Ang saya-saya mo, biglang may dadaan sa likod mo na dalawang taong di sinasadyang naging pamilyar na sayo.
Lumingon ka, at pagtalikod mo, nagsalita ang isa: "Pinagpapantasyahan e no." Sasagot ang isa pa, "Oo nga."
Oh hindee!!! Anong nagawa mo??
Titigil ka na sa pakikipagkwentuhan.
Aalis ka na lang na punung-puno ng sama ng loob.Naaasar ka sa lahat ng tao.
Bakit kailangang pakialaman ang buhay ng taong ni hindi nila kilala?
Bakit kailangang pagtawanan at ipagkalat ang mga bagay na di na dapat pinag-uusapan? Marami pang version yung mga naririnig mo sa kanila. Minsan ganito, "Siya yun." O kaya, "Ows? Yan yon?"
Hayop.
Marathon eavesdropper ka kase.
Kahit ikaw mandidiri sa iniisip mo.
At matapos mong malaman ang lahat ng bagay tungkol sa kanya, kahit yung nilihim nya at nalaman mo lang nung tapos na, naisip mong kalimutan na lang talaga siya.
One time nakipag-chat ka.
[ka-chat] musta luvlyf?
[ikaw] meron b?
[ikaw] .wlang kwenta
[ka-chat] ows? bkt?
[ka-chat] :(
[ikaw] basta. wla syang kwenta.
[ka-chat] mahal mo?
[ikaw] huh?
[ka-chat] mhl mo p rn un.
[ikaw] weh
[ka-chat] honestly, mhl m p rn ba?
[ikaw] argh!
[ikaw] ewan
[ka-chat] wlang kwenta pero mhl mo.
[ka-chat] tsk tskMatitigilan ka. Tititigan mo yung monitor ng matagal.
[ka-chat] am i ryt?
[ka-chat] hey
Ita-type mo yung "gtg" nang di oras.
May kasama pang "nys miting u" para di halatang nabwisit ka sa sinabi nya.
Alt-F4. Disconnect. Shut down.
Asar na asar ka na talaga sa sarili mo.
Di mo na gustong mag-teleport.
Gusto mo na lang talagang ma-dissolve sa hangin.
Ikaw na ngayon ang nangangailangan ng advice.
Pero walang kwenta lahat ng sinabi nila.
"Kalimutan mo na siya." PAANO? "Wag ka kase magpapaapekto. Wag mo isipin yung sinasabi ng ibang tao." HA?!? ANG LABO!!! "Marami pang iba jan." EH SIYA NGA LANG EH!!!
Aasarin ka pa kapag sinabi nilang, "Bakit di na lang si _____? Yihee. Okay naman siya ah."
Ngek, ano yun, ganon lang kadali?
Nakatitig ka ngayon sa monitor.
Pabalik-balik ka lang sa lyrics.com, sa CRS, at sa email composer mo. Nakakainis. Di mo na alam kung ano pa ang sasabihin mo.Tama, bwisit sa buhay yang feelings na yan.
May magtatanong pa, "Bakit mo ba yon mahal?" Wow pare, wala kang maisagot.
Buti pa sa Math pwede kang manghula ng formula, pwede mong paglaruan ang solution mo. May partial points ka pa. Eh sa tanong na yon? Tsk tsk. Malabong mangyari yon.
At kung BS Love and Affection ang course mo, 'tol. mas mabuti pang mag-shift ka na lang sa BA Emotionlessness and Insensitivity habang maaga. Malamang magkita pa kayo don.
Paulit-ulit mong sinasabi sa sarili mo na wala ka na talagang pakialam sa kanya.
Pero bakit pag nakikita mo siya, natitigilan ka pa rin?
Minsan, kaibigan mo na yung nagsasabi sayo, "O, kala ko ba wala na?"
Tatawa ka na lang.
Lalakasan mo para di mahalata yung teary eyes mo.
Di ka na naman makakapagsalita.
Litong-lito ka na.
Di mo alam kung bakit nga ba ganon.
Kung bakit ka apektado.
Kung bakit nagbabago ang lahat pag nandiyan siya.
Kung bakit gustung-gusto mo siyang bigyan ng nerve cells para maramdaman niya ang lahat.
Lahat.
Ngayon, ipapadala mo to sa mga kaibigan mo, sa mga ka-block mo, at sa iba pang taong wala talagang pakialam sayo.
Sa kanilang lahat, di mo alam kung sino talaga ang may tiyagang tapusin ang ganito kahabang senseless na mensahe.
Di mo rin alam kung sino talaga ang mag-iisip para sayo.
Di mo alam kung sino ang maaapektuhan.
Somehow, gusto mong ma-disconnect ka na lang bigla.
Maubusan ng internet credits.
Sabugan ng pc.
Mag-brown-out.
Biglang mag-collapse.
Umiyak.
Malunod.
Maging ipis.
Uminom ng Skele-Gro.
Mabagsakan ng asteroid.
Maglahong parang bula.
Kase, tama yung sinabi ng naka-chat mo.
Sinasabi mong walang kwenta, pero mahal mo.
Sobra.
6:58 PM
-----*-----
I don't care what the world
throws at me now.
It's gonna be alright.
-----*-----
Tuesday, April 11, 2006
Blessed, Privileged, Revived.
I came back from Davao blessed, privileged and revived.
The 13th International Leaders Conference was such a blast, I still have a hangover from the exhilirating experience.
Months before the ILC, I was broken, tormented, demented and incomplete. I was a hypocritical servant; I went to meetings untouched by worships, numb to blessedness. I was pulled down by emotions, too much it took away my faith.
Months before, I vented my frustrations, not to God, but to alcohol. I always waited for the times I can burn my throat and swim in the ecstacy of its effects. I thought it was cool to do so; I can easily be identified as hardcore if I knew how the different drinks out in the market taste like. I tried almost everything from wine to brandy to gin to beer.
Then, intoxication gave me a good high to alleviate my misery and self-pity. It was a good getaway for a night and a day when the hangover made me feel light all over. It was all good until I found myself confused and deranged. I quarreled with mom a lot, I lacked determination to study and I was lost in service.
During the 2nd night of the ILC, the rain poured from the heavens while everyone was getting too moved by the worship. As I opened my eyes, I saw everyone unmoving with their hands still raised up high, the speaker thanking God for the blessing of rain. As the raindrops paced their way to the ground in such an enormous speed, the people around danced and chanted for the Lord. We all got soaked! And then as the rain slowed down, the clouds parted and revealed a lot of stars. When the sky got rid of the rain clouds, a few clouds remained and formed the face of Jesus twice! It was as if Jesus was looking down on me.
It was during that time in Davao also that I realized God was calling me for higher service. Ideas swarmed my mind at an instant and as soon as I got home I jotted it all down in a special notebook.
I plan to conduct a medical mission in Gawad Kalinga.
I plan to coordinate more with the other CFC ministries.
I plan to be active in GK.
I plan to bring my friends to GK.
I plan to stray away from vices.
I plan to stay patient and add another dose for reserve.
I plan to change...to bring change... to spread my blessings.
Seems too good to be true but I am overflowing with determination. Though I know it will be a long road ahead, I will tread it.
Today, I realized how actually tough my life was the past week. I juggled Pharma, Micro and Fundamentals of Nursing, all major subjects, with KFC camp and YFC camp service meetings. After school, I rushed to meetings with my reviewer at hand. This one week, I was able to prove that nothing is impossible if the work one does is through the heart.
----
My cousins from Cebu came to Manila and we partied for three days in Baguio, Tagaytay and Malate. It was soooo much fun I am starting to miss them sorely.
I can't wait to be in Cebu for sembreak this year! Wee.
---
Along with the blessedness came healing. Work made me stray away from regrets. I learned to forgive.
Now, we say hi when we see each other. On my part, the pain is not enormous that even a streak I fail to feel. Guess he simply a test, a person who made me realize things about me and things that I need to focus on.
---
Pharmacology is fun. Microbiology is average fun. Fundamentals of Nursing is more fun...
For now.
My Pharma prof is the best...fashion-wise and lecture-wise.
I'm lovin' life.
11:47 PM
-----*-----
I don't care what the world
throws at me now.
It's gonna be alright.
-----*-----
Thursday, April 06, 2006
Tossed Thoughts
I'm officially going to Davao tomorrow for the ILC!
I have already planned what to wear for the 3 days I shall be away from the Metro but I still haven't packed my things. I have this weird feeling I will not be able to surrender to sleep tonight because of excitement. Haha.
---
I went shopping all by myself in glorietta a while ago. I figured out that it's nicer to shop by yourself; no one to nag you when to go home, no one to bother you while to take strides from store to store. :)
---
Pardon the inconsistency of this entry. I'm too elated to think straight. I am actually typing on impulse.
---
I hate one of Makati Med's doctors. Dra. Ponkana...burn in your katarayan! No wonder your wrinkles surfaced too early. Haha.
---
I need to fix my room. I need to pack my things. I need to finish my P.E and get things over with; Physical Exam is the stupidest part of enrollment.
---
I sound so... sabog.
11:18 PM
-----*-----
I don't care what the world
throws at me now.
It's gonna be alright.
-----*-----